HI!! i'm arlene!
wala binablog ko lahat ng kahit anong naiisip ko . dahil ako ang no. 1 day dreamer sa mundong ibabaw! WHAHAHA !! I'm cool ! hindi ako maganda! mas lalo namang hndi ako panget ! nasa tama lang . normal lang ! but anyways. kahit ano pa yan .. tara na't magsama sama tayong laht ng nangangarap ng gising ! mahilig ako kumanta . hindi ako nakaktulog ng walang music boring. mahilig din akong magbasa ng libro basta kahit ano . nangangarap din maging writer . pero i do believe anyone can be. At nga pala hinahanp ko rin ang superman ko mtagal ko ng hinahanap baka nasa kalawakan pa . ^_^




Layout By: Yanilavigne
Images from:Piearashi


1/24 older

God, give me strength .




my ex bff

Ang gulo sobrang gulo! walang humpay ang kaingayan nang klase namin . 1st year . mga inosente . walang alam . basta kami masaya walang pakialamanan ng trip! mga 4 apat na palit siguro ng teachers bago naging permanente. Pero bilib rin talaga kami sa teacher na yon! i salute u sir! Galing kami sa Public school kaya . sabi nila kami ang pinaka magulo at pinaka walang kwentang mga studyante sa bulok ng paaralan na yon. Hindi namana talaga kami mag kakaklase eh . Actually , galing kami sa ibat ibang sec sa isang public school at nabalitaan na nga lang namin na may isang malaking opportunidad! makakpag aral kayo sa private!! woaaaaaaaw!! napanganga kami ng mga classmate ko . Nmalayan ko na lang isang araw lumilipat na ko ng school . yung iba kong mga classmate sa public hindi sumama .ewan hindi ko alam . At namalayan ko na lang din na kasama na ko sa mga nag iingay pero sa katunayan hindi ko sila kilala. Pinagtagpo tagpo siguro kami ng tadhana . Nasayang ang malaking porsiyento ng buhay ko kung hindi ko sila nakilala ! at siguro nasayang ang kahalati ng buhay ko kung hindi ako nakasama sa pag iingay nila! HAHAH! masaya naman talaga! 

Tahimeeeeeeeeeeeeek !! sigaw ng bago aming teacher nung second year . Lahat tumahimek . Hindi pa kase namin kilala yung teacher na yon. Pero may makakatinag ba sa kaingayan namin ? syempre! wala ! pagkatapos ng mga sampung segundong pakikipagtitigan sa sexing teacher na yon ! XD back to normal! woooo! party party!! and that was the first day ng second year high school namin. Ang laki ng pasasalamat namin sa teacher na yan kundi dahil sa kany ahindi naktungtong ang mga hindi dapat makatungtong sa panibagong baitang .  naisip ko na sa kabila ng kabulukan ng school na yon . nandoon ang masaya! at maingay na klase! sa kabila ng kabulukan . nan duon nabuo ang isang masayang samahan . Kapatid na nga ang turingan namin kung tutuusin . Ansaya pala ng high school! pero masaya rin naman sa elementary yun nga lang limitado ang oras nang pagpipiko dahil kailangan pang matulog sa tanghali ! HHAHA! Sabi nila High school daw ang pinaka masayang parte ng pag aaral totoo nga ! pero wagka nag iimprove ang school namin! HHAHA! Hindi ko malilimutan ang masayang tawanan , matayog na pagpupukulan ng binilot na papel, ang mahimbing na pagtulog namin may teacher man o wala . HAHAH ! pero unti unti na kaming namumulat sa tunay na mundo. 

3rd year . This is it!

Masaya pa rin walang humpay ! Iyan siguro ang pinaka msayang year namin kahit maraming nawala . pakonti na kami ng pakonti pero buo pa rin ang samahan . Pero sa dahil sa matinding presensya ng gwapo naming teacher nung 3rd year mas sumaya at nagkaroon ng saya! woooo! party party! ……. itutuloy.




Alam kong kaya ko pero hindi ko ginawa . sayang ! 




ryt.now.,

Kanina pa ko nag iisip kung anong gagawin ko dahil inip na inip na ko . Ang dami kong gustong gawin pero di ko magawa . Pakiramdam ko nga di na gumagana yung kaliwa kong utak eh !HAHAH ! but that’s the truth ! what i want to do RYT NOW., is to express. Hindi ko alam kung gusto ko ng kausap o hindi ? alam mo yung feeling ng ganon ? yung feeling na sa isip mo tulog ko kaya to ? eh buong maghapon akong nakatulog . Ganito pala yung feeling ng walang ginagawa . Nalinis ko na dapat na linisin . Nabasa ko na ang dapat mabasa. Nakausap ko na ang mga dapat kausapin kahit nga dapat nakausap ko na! pati yung puse naming walang ginawa kung titigan lang ako . kung nakakapagsalita lang siguro ang pusa! meow!meow! :”> Iniisip ko paano nakakatagal yung iba ng walang ginagawa ? yung mga homebody ? sa bahay lang as in ? pinanganak kase kong layas eh . at hindi lang layas . Gusto ko yung pinupuntahan ko may kabuluhan may napupulot akong di inaasahang aral. I have  plans for this week . Sana magawa ko para sakin rin naman to eh .It’s either iunfriend at iunlike sila or hindi ak mag online. This is for the best ! thanks wikihow . ikaw ang pinatatanungan ko pag hindi ko alam kung anong dapat kong gawin . HAHAHA ! paano wala talaga kong makausap nor mapagtanungan lahat sila wala at tulog! Siguro nakukulitan na rin saken si God kakatanung ko ng kung ano ano ? HAHAH ! tapos napatugtog ko na rin ang mga mapatugtog kahit paulit ulit okay lang . hahah ! okay that’s all for today. it’s already 12 am . need to rest . God bless everyone! ^_^




LAUGHHHHHHHHHHHH




BATANG 9O’S . hahha ! 

BATANG 9O’S . hahha ! 




Youth Camp 2012

Last friday , umattend kami ng pinsan ko sa “youth camp” with my best friend . Ang alam namin ang camp yung aakyat ng bundok , yung mag vovonfire,  yung  mag iihaw ng marsh mallows .. pero kakaiba to dre . sa school! syempre sa una andami naming tanong. Camp dba?  HAHAH ! pero imba to ! bigla kong nakaramdam ako ng excitement! kaseeeee . airconnnn! HAHAHA! 

1ST DAY . inosente annadaming tinuturo puro tungkol kay God , syempre alam nanamin yung mga tinuturo nila , pero may mga hindi pa pala kami alam . pero sa bawat nag totalk andami kong narealize,andami kong naisip, biglang gumana  utak ko! *ching!*pero promise syempre pagabi na yon . hindi ko talaga mapagilang humikab. “pusanggala hidni pa ba tapos?? ” .Nang sa wakas kainan na! HAHAH ! pgktpos kumaennn . yeah heavy! naririnig ko silang kumakanta pag pasok ko ng session hall . etoooooooong gusto ko ! ang gaganda ng kanta puro pang worship songggg! HAHAH ! kung alam lang nila eto lang ang pinunta ko. ooopps. sa una! pero na realize ko 3 days kami dito hindi pwedeng maburyo na lang ako dito . so ginawa ko kinausap ko lahaaaaaaat ng pwede kong kausapin nakipag kwentuhan kahit bagong kakilala. HAHAH ! tutal makakasama ko naman sila in 3 days .At sa wakas pinatulog na rin nila kami almost 12 na siguro ! whew! men ! ang swerte nio once in a lifetime lang ako abutin ng ganong oras ! HAHAH ! 

2nd day ! wow! heavy 6 am pa lang gising na kami sapagkat datapwat marami pang maliligooo . Grabidad 2 hours kaming nag hintay ng pinsan ko ! sa labas ng cr. Ewan ko ba kung bakoit tayong mga girls antagal naten maligo . HAHAH ! samantalang yung mga walapang 1 hour tapos na silang lahaat ! HAHA ! pag pasok namiun ng session hall nag lalaro sila . Nainggit naman ako sa energy nila . Mga hyper hahaha ! kung sabayan ko kaya pagiging mga hyper nitong mga tooooooo ?  pero nahihiya pa talaga koooo . siguro after 1 hour hindi na . HAHAHA ! tapos may mga nag talk . andami ko nanamang nalaman buti na lang umattend ako dito . YESSS! kaysa maburyo ang utak ko sa bahay . pakiramdam ko nga hindi na gumagana yung kaliwa kong utak ehhhh . hahah! Break time . andami kong nagiging kaibigan mga bata pa naman kaya madaling pakisamahan . Especially the boyss , ewan ko kung bakit mas gusto kong nakikipag kaibigan sa lalaki . tapos best friend ko pa lalaki . Siguro alam kong hindi sila marunong mamlastik ,tapos nag cacare pa sila saken  , tapos naiintindihan pa nila ko , hindi rin sila madram . mag dadrama lang sila kung kinakailangan. Ansarap nilang kausap parang mga totong tao talaga . Pero ibig sabihin non wala akong kaibigang mga babae . of course not! mrami akong girl friends . HAHAH ! may nag totalk tapos . lalapitan kami ng mga facilitator namin para mag share kung anong naututnan namin at halungkatin sa mga bulsa namin kung anong naging problema namin na nadukot na namin sa kanya kanya na naming bulsa . ^_^ sa isang banda i realize buti may mga ganito pang mga kabataan ngayon kala ko wala na nag tatago lang pala sila sa paaralang to . Grabe! super close na sila kay God kung baga saken inrelationship pa lang sa kanila engaged na . HAHAH ! THEY AMAZED ME THE WAY THEY WORSHIP LORD GOD. Na realized ko rin na bakit hindi ako maging ganonn . hindi yung pray lang ako ng pray kahit kailan ko gustuhin ng walang kaeffort effort . HAHA ! 

3rd day . The last day  , hindi ko makakalimutan iyong araw na yonnn . It was sunday morning at ang ganda ng sikat ng araw. Noong umaga na rin yon ko narealize na bakit ko nga ba siya kinakalimutan ? Sa umaga pag pasok sa school halos hindi na ko makapag pasalamat sa kanya sa kakamadali halos hindi ko na ma appreciate ang bawat umaga na puno ng pagasa. That day i didn’t knew na magiging ispesyal pala yung araw na yonn para saken . just me .Para mag reflect what i did . Kung nakatulog ba saken . narealize ko rin na bakit nga ba ako umaasa sa iba sa bandang huli . It’s My choice! only me . Just me! pero by God’d love alam kong hindi niya ko papabayaan. Alam ko sa bawat araaw na nag daan marami akong  pinagbago at ngayon alam ko na kung sino talaga si god . And that day i realized na Hindi masama mag forgive , Repentance . just me . it’s my choice . and by faith alam ko kaya ko . Pag katapos ng Breakfast .Grabidad! nakapg simba ako ng walang ligo!ligo! HAHAH ! pero okay lang yonnn . katabi lang naman namin yung church eh. Sabi ko after naman nito uwian na eh ..  yun ang akala kooo ! yesss uwian na!! HAHAH ! ,. tapos pinag dala kami ng  panyo .. piniring samen . may pinahawak saming tali . hanapin daw namin yung cruz. naturalmente na madilim dahil nakapiring nga kami . sa dilim habang nag lalakad ako habang kinakapa ko yung tali . habang napapatid ako sa mga dinadaanan ko . habang nauntog yung baba ko sa poste oo nauntog nga yung baba ko! ansakit kaya may pabaon . pa haha! sa bawat hakbang nayon ang dami kong narealize . paano kung walang liwanag lahat kaya ng tao mauuntog at mangangapa sa bawat daraanan nia ? pano kaya kung walang tali? pano ko ?? walang guide? bahala na ?? na realize ko na hindi ko pala kaya . mag isa. And may mga lumalapit saken . alam daw nila kung nasaan yung cruz sa una hindi ako sumama baka kung anong gimik nanaman to eh .. pangalawa hindi pa renn. pangatlo sumama na ko . May nakapa akong krus then that’s it! i found it! Then sigaw daw . ng mahal ko si God! why not?! after all I love God! my only Lord! then shouuuuuuuut . I did! i think hindi aabot yung sa langit yung sigaw ko kaya nilakasan ko to d highest level . HAHAHA ! 

Akala ko uwian na . tapos nag worship ulet .. lumapit yung mga facilitator namin may binibigay na sulat naalala ko pinagwa nga pala kami ng sulat . tapos nag reply yung tito ko since wala yung parents ko doon! Hindi naman talaga ako maiiyak eh . Kaso ang pinag uusapan MAGULANG  ang ayoko pa naman sa lahat yung ganong usapan . naramadaman ko na lang yung luha ko nung binabasa ko yung sulat . Hindi tumitigil, kahit pigilan ko ayawww ! naman ohhh ! pero yung pag iyak ko na yon ang nag pabuo ng youth camp na yon para saken . Hindi lang pala pag iihaw ng marsh mallow at pag akyat sa bundok at without guardians ang camp pero ito imba! sa bandang huli  dumating yung mga tito at tita ko. HAHA ! hinding hindi ko makakalimutan yong camp na yonnn . Dinaig pa neto camp rock! promise! HAHAH!

— TNX! for reading ! saktong 1 hour na tapos ko to !

— sorry kung hindi ko na ginalang ang mga balarila :)

— sorry kung mali mali yung spelling nasa comshop lang kse ko eh . so walang time para i check kung mali ba o hindi . hindi ako makakpag type samen ng ganto sureball may mangangantyaw.

— wag kayong magalit kung bakit ganyan yan . ganyan talaga yann . It’s my choice after all . just me .

— HAHA! sorry tinamad lang talaga ko mag sulat ngayon  . dapat nasa personal journal ko to ngayon eh . HAHAH! 

——- > THAT’S ALL THANK YOU! 




thanks god for the refreshing day  ! ^_^ 

thanks god for the refreshing day  ! ^_^